Ilong lang…

Posted January 25, 2008 by thebignose
Categories: Uncategorized

bruce_bald_and_big_nose_2_copy.jpg

Pinag-iisipan ko kung magpapaganyan ako o hinde eh…

TOP 5 Pinoy Ilong Personalities

Posted January 24, 2008 by thebignose
Categories: Ilong Stories

Sila ang ilan sa mga Ilong Personalities na tinitingala sa ngayon dahil sa nagamit nila ang kanilang kaanyuan, katalinuhan at angking talento upang maging maayos ang kanilang pamumuhay, at dahil dito, sila ngayon ay isa na sa mga sikat at mayayaman na tao sa pilipinas. At eto na ang ating Top 5 of our Pinoy Ilong Celebrities:

 

1. Allan K

allank-gorgoniasalamonkey1.jpg

2. Panchito

panchito.jpg

3. Janno Gibbs

janno_gibbs_02a1.jpg

4. Ogie Diaz

show-sn1-ogie.jpg

 

5. Mike Enriquez

 135px-mike_enriquez.jpg


 

Alergik Raynaytis..

Posted January 24, 2008 by thebignose
Categories: Ilong Stories

Kapag nakakakita ako ng matangos na ilong, laging pumapasok sa isip ko na, isa siya sa mga miyembro ng aming samahan, ang “Alergik Raynaytis Tropapips.”

Fourth year college ako nung nadiscover ko na meron pala kong ganung klaseng allergy. Hinde ko din alam kung san ko nakuha yun, pero ang alam ko wala naman sa lahi namin ang ganung kasosyal na allergy, dahil ako lang talaga ang bukod tanging may ganung klaseng allergy sa aming pamilya. Mahirap magkaron nun, dahil kahit anong oras pede kang sumpungin, basta maka-amoy ka lang ng hinde tugma sa iyong mahiwagang ilong tiyak iiyak ka sa sobrang kati at sa patuloy na paghatsing. Noong nagpatingin ako sa doktor namin sa may kanto ng aming barangay, sinabi niya sa akin ang tawag sa allergy na meron ako at siya ang naging susi sa aking paglaban sa mahiwaga kong nararamdaman. Binigyan niya ako ng isang mahiwagang gamot, “VIRLIX” ang tawag sa aking gamot, bakit mahiwaga? Dahil ang isang tableta ay nagkakahalaga ng 40 pesos, at ito din ang gamot ng ibang tao sa iba’t-ibang uri ng mga allegies. So every time na susumpungin ako lagi akong bumibili ng mahiwaga kong gamot, mahal, pero matutulungan kang huwag mainis, maiyak at ilayo ka sa kahihiyan dahil sa nakikita nilang tutulo-tulo na sipon, at hindi lang yun, mas makaktipid ka pa sa paggamit ng tissue at sa mga panyong mahirap labhan kapag siningahan mo na.

Nung pumasok ako sa trabaho ko ngayon, nagkaroon ako ng ka-berks, dahil sa isa sa mga officemates ko ay pwede kong marecruit, upang sumapi sa aming samahan, pero ang pinagkaiba namin, siya ay allergic sa mga alikabok sa kalye at sa mga papel, pero ako sa mga lumang damit at ang amoy ng aparador na naiimbak na. Tip lang para sa lahat ng mayroong ganitong uri ng allergy, dapat ninyong malaman kung saan kayo allegic para alam niyo kung paano ito iiwasan, para hinde na kayo bumili ng mga mahihiwagang gamot katulad ng gamot ko.

Kung ikaw ay may katanungan, huwag sa akin kasi hinde ako doctor, lapit ka sa konduktor tapos tanong mo kung paano pumuntang hospital, dahil kapag ikaw ay inaatake ng alergik raynaytis, sigurado hinde ka na makakapag-isip ng tama.

10 Ways Para Labanan ang Katamaran

Posted January 23, 2008 by thebignose
Categories: Seryosong ilong

Mahirap Labanan ang Katamara,?? Bakit kaya, siguro dahil sa nakakatamad talaga?? Ewan ko ba, sa tuwing papasok ako sa opisina, lagi akong tinatamad, sa totoo lang maraming pedeng gawin, katulad ng mag-internet, manood ng movies, mag-sounds, at kung-anu-ano pa. Pero bakit minsan nakakatamad pa din?Hinde ko talaga alam, siguro likas na sa atin ang ugaling ganun, pero hinde ako tumigil para malaman ko kung pano labanan ang katamaran. Nagresearch ako sa internet at ito ang ilan sa mga kasagutan na sa tingin ko ito ang magiging susi upang malabanan natin ang ating pagiging tamad:

1. Pumunta ka lagi sa CR, at basain mo ang iyong mukha, marahil kulang ka lang sa ligo.

2. Lagi kang tatayo sa iyong pagkaka-upo para hinde maimbak ang mga kinain mo na sanhi ng iyong pag-kaantok.

3. Lumabas ka ng kuwarto at ilabas ang mga masasamang hangin na nasa katawan mo.

4. Huwag makikinig ng Love Songs, para hinde mo maisip ang ka-relasyon na walang kagana-gana.

5. Maligo bago pumasok sa trabaho at piliting mag-toothbrush para hinde ka madismaya sa mga maamoy mo.

6. Mag-vitamins sa gabi, huwag bago pumasok sa trabaho, dahil ang ilan sa mga vitamins ay may mga sangkap na pampatulog.

7. Kung ikaw ay bad breath, mag toothbrush ka muna at ikaw ay makipagkwentuhan sa iyong ka-trabaho upang hinde ka makapatay ng tao.

8. Matulog sa bahay hinde sa kapit-bahay para hinde ka puyat upang maging matino at wasto ang iyong pagtatarabaho.

9. Kumain ka ng kamote para lagi kang umutot, utot mo pa lang ay siguradong gising ka na, damay mo pa ang iyong ka-opisina.

10. At ang pinaka-importante sa lahat, magdasal ka bago magsimula sa trabaho, para hinde ka matulog at hinde ka mahuli na tatamad-tamad sa trabaho.

Tandaan natin, ang trabaho ang susi ng paglago ng ating ekonomiya, kung ating hahayaan na tayo ay tamarin at mawalan ng gana, isipin na lang natin ang mga taong walang makain, mga batang palaboy dahil sa sobrang kahirapan, ngunit tayo ay nabigyan ng kaunting karangyaan, huwag sana nating sayangin ang oprtunidad na makatulong sa kapwa, ika nga sa filipino book noong nasa kinder pa ako, na “ang pag-ibig pag pumasok sa puso nino man, hahamakin masunod ka lamang. ” Hawak mo ang iyong kapalaran Dude..

Joke naman muna…

Posted January 22, 2008 by thebignose
Categories: Tawa-tawa

Husband: Shall we try a different
position tonight?

Wife: That’s a good idea dear… doon ka
sa may plantsahan at ako naman ang uupo sa sofa at
manood ng TV.

SI GINO…

LOLO: Gino, paabot nga ng kape ko.

APO: Lo, Gina po.

LOLO: Gino paabot nga ng kutchara.

APO: Lo, Gina po.

LOLO: Punyeta ka Gino! Tigil-tigilan mo
yang kabaklaan mo!

PANCHITO, BABALU, DOLPHY
PANCHITO: Vitamins ko ABC – Alak,
Babae, at Cigarette.

BABALU: Ako naman DEF – Damo, Egg,
at Frutas.

DOLPHY: Ako, from A to Z – Alma to
Zsa Zsa.

SUKO SA MISTER

MRS1: Suko na ako sa mister ko, lagi na
lang akong binubugbog bago niroromansa.

MRS2: Ganoon ba, mas grabe yung mister
ko. Binubugbog ako tapos si Inday ang niroromansa.

Top 5 na Libangan ng mga Pinoy

Posted January 22, 2008 by thebignose
Categories: Tawa-tawa

Bawat tao ay may kani-kaniyang libangan, yung iba maaring ang kanilang libangan ay mag-mall, manood ng sine, tumambay at kung anu-ano pa. Pero maniniwala ba kayo na merong mga tao na isa o dalawa sa mga ito ang kanilang libangan.

1. Umutot sa kung saan-saan.

2. Mambato ng kulangot.

3. Magpa-ikot ng buhok.

4. Mambato ng libag.

5. Kumain ng kung anu-ano.

Ano tama naman di ba?

Brief Introduction..

Posted January 22, 2008 by thebignose
Categories: Seryosong ilong

Bago ang lahat magpapakilala muna ako sa name na super ilong, dahil sa iba talaga ang dating ng aking ilong, bukod sa matangos at kakaibang itsura, talagang kapansin- pansin at siguradong pati ikaw sasabihin mo na yan ang gusto ko sayo. Marami na din nagsabi na isa daw ito sa mga asset ko na marahil maipagmamalaki ko.. Sana matuwa kayo sa aking ilong stories at sana basahin niyo lahat ng ipopost ko at sana ma-inspire din kayo sa mga post ko dito.

Hello world!

Posted January 22, 2008 by thebignose
Categories: Seryosong ilong

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!